Site icon SDN — Science & Digital News

KWF Nakatakdang Magbigay Parangal sa Natatanging Manunulat sa Pamamagitan ng Gawad Dangal ng Panitikan 2024

Editor’s Note: Today, Friday, January 12, 2024, SDN — SciTech & Digital News starts publishing press releases in the Pilipino language in support of the Komisyon ng Wikang Filipino’s (KWF) work in promoting, enriching, and preserving the native language of Filipinos.

_________

Short link: https://wp.me/paaccn-zTz

MAYNILA — Ang Gawad Dangal ng Panitikan ay ang mataas na pagkilála sa naiambag sa panitikang Pilipino o Lifetime Achievement Award.

Binibigyang-pagpupugay nitó ang natatanging manunulat na nagpakita ng pagpapahalaga sa kultura, kaakuhan, at kayamanang pamana, bukod sa pambihirang pagkasangkapan sa Filipino at ibá pang wikang panrehiyon o panlalawigan.

Bukás ang nominasyon sa mga institusyon at/o manunulat — laláki man o babae — na nakapag-ambag sa pagpapayaman ng panitikan ng Pilipinas. Ang mga ambag ay dapat na nagpapakita ng pagpapahalaga sa kultura, kaakuhan, at kayamanang pamana, bukod sa pambihirang pagkasangkapan sa wikang Filipino.

Pára sa mga indibidwal, kinakailangang may gulang na hindi bababâ sa apatnapung taón. Pára sa mga samahán, tanggápan, ahensiyang pampamahalaán, at/o pribadong sektor, kinakailangang naestablisa nang hindi bababâ sa limang taón.

Mayroong katipunan ng mga akda o gawaing nakapag-ambag sa panitikang Pilipino at mga katutubong wika ng Pilipinas (kinakailangang ilakip sa nominasyon bílang pruweba.)

Ang mga nominado ay marapat na manggaling sa rekomendasyon ng indibidwal o pangkat mula sa labas ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).

Pára sa nominasyon, ihanda ang sumusunod na kompletong dokumento:

Ilagay sa isa o higit pang long brown envelope ang mga tinukoy sa bílang 6 at ipadalá sa adres na nása ibaba:

Lupon sa Gawad Dangal ng Panitikan 2024
Komisyon sa Wikang Filipino
2/P Gusali Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel
San Miguel 1005, Lungsod Maynila

Ang hulíng araw ng pagpapása at pagtanggap ng nominasyon ay sa 2 Pebrero 2024, 5:00 ng hapon.

Ang tatanghaling Dangal ng Panitikan 2024 ay tatanggap ng naturang gawad sa
iginagayak na programa ng KWF sa Araw ni Balagtas, 2 Abril 2024.

Pára sa ibá pang detalye, tumawag o mag-text sa 0928-844-1349 o magpadalá ng
email sa timpalak.gawad@kwf.gov.ph. (/)

Exit mobile version