Short link: https://wp.me/paaccn-SH3
MARAWI CITY – Isinagawa ng Provincial/City Manpower Development Center (PCMDC) ang dalawang magkasunod na Training Induction Program (TIP) noong Setyembre 23, 2025 at Setyembre 25, 2025, bilang bahagi ng patuloy na pagbibigay ng oportunidad sa mga mamamayan ng Lanao del Sur na makapagsanay at magkaroon ng bagong kasanayan.
Ang unang TIP ay isinagawa sa Brgy. Sugod, Marawi City para sa mga scholar ng kursong Tile Setting, habang sa bayan ng Marantao naman isinagawa ang TIP para sa mga benepisyaryo ng kursong Carpentry, kung saan kabilang ang mga Decommissioned Combatants.
Ang dalawang pagsasanay ay nakapaloob sa Community-Based Training (CBT), kung saan mismong sa kanilang mga komunidad gaganapin ang mga klase at pagsasanay. Ang pangatlong TIP naman ay isinagawa para sa mga skolar ng Tile Setting at Carpentry sa mismong tanggapan ng PCMDC, kung saan ito ay nakapaloob naman sa Institution-Based Training (IBT).
Pinangunahan nina Janisah Batugan at Omelhayyah Sharief ang nasabing aktibidad, kasama ang iba pang kawani ng PCMDC. Tinalakay nila ang mahahalagang impormasyon tungkol sa programa, kabilang ang mga benepisyo ng scholarship, mga alituntunin, at kahalagahan ng pakikilahok sa pagsasanay.
Patuloy na pinagtitibay ng PCMDC ang kanilang mandato na maghatid ng dekalidad na kasanayan at praktikal na oportunidad para sa mas maraming mamamayan ng Lanao del Sur, bilang hakbang tungo sa mas inklusibong pag-unlad at kapayapaan sa rehiyon.
The Bangsamoro region, established in 2018 by the Bangsamoro Organic Law (BOL) to implement the 2014 Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB), is made up of the provinces of Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao del Sur, Maguindanao del Norte, and Tawi-Tawi, the cities of Cotabato, Lamitan, and Marawi, as well as the Special Geographic Area’s (SGA) 63 barangays or villages — now eight new municipalities — that voted “Yes” in a plebiscite in February 2019 to be under the BARMM jurisdiction.
According to the Philippine Atlas BARMM has 4,404,288 people. It has 116 municipalities: Basilan, 11 municipalities; Lanao del Sur, 39; undivided Maguindanao, 36; Sulu, 19; and Tawi-Tawi, 11. Its component cities are Cotabato (the regional center and capital) in Maguindanao; Lamitan in Basilan; and Marawi in Lanao del Sur. (✓)

