Featured image above shows UBJP President Al-Haj Murad Ebrahim raising the hands of the party’ bets in Maguindanao del Sur. (Image via UBJP)

Short link: https://wp.me/paaccn-McI
COTABATO CITY February 19, 2025 —ย Matagumpay na isinagawa ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP) ang Mass Oath-Taking at Official Raising of Hands ng mga kandidato nito mula sa Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur bilang bahagi ng kanilang paghahanda sa darating na Halalan 2025 at pagpapaigting ng ugnayan sa pagitan UBJP leadership at UBJP candidates mula sa dalawang lalawigan.
Sa pagsisimula ng programa, nagbigay ng Islamic Reminders si Sheikh Nadheer Ebil, kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagsasama ng mga prinsipyo ng Islam sa pamumuno at paggogobyerno. Aniya, ang pagiging isang lider sa Islam ay may mabigat na responsibilidad, at kinakailangan ng isang matuwid at maka-Diyos na pamamahala upang mapanatili ang kapayapaan at kaunlaran sa kanilang nasasakupan.
Pinangunahan naman ng Party Leadership ang mismong Mass Oath-Taking sa pangunguna ni UBJP President Ahod โAl Haj Muradโ Ebrahim, kasama sina UBJP Secretary General Abdulraof โSammy Al-Mansoorโ Macacua, UBJP Vice President for Northern Mindanao Ali Solaiman, at iba pang mga opisyal mula sa Central Party Committee.
Dumalo rin sa Mass Oath-Taking ang mga kandidato para sa Provincial Board Members, mayoralty, at councilor positions mula sa 12 munisipalidad ng Maguindanao del Norte, sa pangunguna ng Gubernatorial candidate na si Mayor Datu Tucao Mastura at Vice Gubernatorial candidate Datu Marshall Sinsuat.
Samantala, mula sa Maguindanao del Sur ay dumalo rin ang mga kandidato para sa Provincial Board Members, mayoralty, at councilor positions mula sa 24 na munisipalidad, sa pangunguna ng Gubernatorial candidate na si Datu Ali โDatu Sa Talayanโ Midtimbang at Vice Gubernatorial candidate Sheikh Hisham Nando. Kasama rin sa pagtitipon sina Congressional Candidate Esmael โTotoโ Mangudadatu at iba pang lider ng partido mula sa ibaโt ibang bayan.
Sa talumpati ni Party President Ebrahim, kaniyang ipinunto ang kahalagahan ng political participation bilang bahagi ng jihad at patuloy na pagtaguyod sa adhikain ng partido para sa Bangsamoro Region.
Aniya, โ๐๐ญ๐จ๐ง๐ ๐ ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ฐ๐ ๐ง๐๐ญ๐ข๐ง (๐ฉ๐จ๐ฅ๐ข๐ญ๐ข๐๐๐ฅ ๐ฉ๐๐ซ๐ญ๐ข๐๐ข๐ฉ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง) ๐๐ฒ ๐๐๐ก๐๐ ๐ข ๐ง๐ ๐ฃ๐ข๐ก๐๐ ๐ง๐๐ญ๐ข๐ง. ๐๐๐ฒ ๐ฆ๐ ๐ ๐ง๐๐ ๐ญ๐๐ญ๐๐ง๐จ๐ง๐ ๐ง๐ โ๐๐๐ค๐ข๐ญ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ -๐ฃ๐ข๐ก๐๐, ๐ค๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ง ๐๐ ๐ง๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฆ๐๐ฅ๐ข ๐ฌ๐ ๐๐ฅ๐๐ค๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง?โ ๐๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐จ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐ง๐๐ฆ๐๐ง ๐ง๐๐ญ๐ข๐ง ๐ค๐ฎ๐ง๐ ๐๐๐ค๐ข๐ญ ๐ ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ฐ๐ ๐ง๐๐ญ๐ข๐ง ๐ข๐ญ๐จ, ๐๐ฒ ๐ฎ๐ฉ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฉ๐ซ๐๐ฌ๐๐ซ๐ฏ๐ ๐๐ง๐ ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ ๐ก๐ข๐ซ๐๐ฉ๐๐ง ๐๐ญ ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ ๐ฅ๐๐๐๐ง ๐ง๐๐ญ๐ข๐ง ๐ง๐ ๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐๐ค๐๐๐ ๐ฆ๐๐ค๐๐ฆ๐ข๐ญ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐ข๐ญ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ฌ๐๐ฆ๐จ๐ซ๐จ ๐๐ฎ๐ญ๐จ๐ง๐จ๐ฆ๐จ๐ฎ๐ฌ ๐๐๐ ๐ข๐จ๐ง ๐ข๐ง ๐๐ฎ๐ฌ๐ฅ๐ข๐ฆ ๐๐ข๐ง๐๐๐ง๐๐จ.โ

Dagdag pa niya, โ๐๐ญ๐จ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ง๐๐ฉ๐ข๐ฅ๐ข ๐ง๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ค๐๐ง๐๐ข๐๐๐ญ๐จ (๐ฎ๐ง๐๐๐ซ ๐๐๐๐) ๐๐ฒ ๐ข๐ญ๐จ ๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฅ๐ข๐๐๐ซ ๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐ข๐ ๐ฒ๐๐ง ๐ง๐๐ญ๐ข๐ง ๐ง๐ ๐ญ๐ข๐ฐ๐๐ฅ๐ ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ ๐๐๐๐๐ฅ๐ ๐๐ญ ๐ฆ๐๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐ ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ ๐ฅ๐๐๐๐ง ๐ง๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ข๐ญ๐จ, ๐ข๐ง ๐๐ก๐๐ ๐๐ฅ๐ฅ๐๐ก. ๐๐ ๐ฉ๐๐ ๐ญ๐๐ญ๐๐ฉ๐จ๐ฌ ๐ง๐ ๐ญ๐ซ๐๐ง๐ฌ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ฉ๐๐ซ๐ข๐จ๐, ๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ง๐จ๐ ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ ๐ ๐จ๐ ๐จ๐๐ฒ๐๐ซ๐ง๐จ ๐ฌ๐ ๐๐ญ๐ข๐ง ๐๐ฒ ๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐๐ญ๐๐ ๐๐๐ง๐๐ข๐๐๐ญ๐๐ฌ. ๐๐ง๐ ๐ก๐ข๐ง๐ข๐ก๐ข๐ง๐ ๐ข ๐๐ญ ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ ๐๐๐ซ๐๐ฌ๐๐ฅ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐ง๐๐ญ๐ข๐ง ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฅ๐ข๐๐๐ซ ๐ง๐ ๐ก๐๐ก๐๐ฐ๐๐ค ๐ฌ๐ ๐ ๐จ๐๐ฒ๐๐ซ๐ง๐จ๐ง๐ ๐ข๐ญ๐จ ๐๐ฒ ๐ฆ๐๐ฆ๐๐ฅ๐๐ ๐ข ๐๐ง๐ ๐ฃ๐ข๐ก๐๐ ๐ฌ๐ ๐ค๐๐ง๐ข๐ฅ๐ (๐๐จ๐ซ ๐ญ๐ก๐ ๐ฌ๐๐ค๐ ๐จ๐ ๐๐ฅ๐ฅ๐๐ก), ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ซ๐๐ก๐ข๐ฒ๐จ๐ง, ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐ ๐ฌ๐๐ฆ๐จ๐ซ๐จ ๐๐๐จ๐ฉ๐ฅ๐.โ
Ang isinagawang Mass Oath-Taking ay hindi lamang isang pormalidad kundi isang pagpapakita ng pagkakaisa, katapatan, at dedikasyon ng mga kandidato sa adhikain ng UBJP. Ito rin ay isang pagkakataon upang pagtibayin ang ugnayan sa pagitan ng partido at ng mga magiging kinatawan nito sa gobyerno matapos ang halalan.
Isa rin itong pagpapahayag ng matibay na suporta ng UBJP sa kanilang mga kandidato, kasabay ng paninindigan ng partido sa pagpapatuloy ng Moral Governance na sinimulan ng kasalukuyang administrasyon ng Bangsamoro. Sa harap ng mga hamon sa pulitika, nananatiling matatag ang UBJP sa kanilang pangako na magsulong ng isang gobyernong nagsusulong ng kapayapaan, hustisya, at inklusibong kaunlaran para sa lahat ng Bangsamoro.
Habang papalapit ang Halalan 2025, patuloy ang UBJP sa pag-oorganisa ng mga aktibidad na naglalayong pag-isahin ang partido at tiyakin ang kahandaan ng mga kandidato nito. (/)