
Short link: https://wp.me/paaccn-V2X
MARAWI CITY, Lanao del SurLANAO DEL โ Nagsagawa ang TESD Lanao del Sur Provincial Office ng Community Training and Employment Coordinators (CTEC) Conference nito lamang ika-19 ng Nobyembre 2025, na ginanap sa Dyandi Room 1, Go Hotel, Iligan City.
Layunin ng programa na tugunan at linawin ang mga katanungan ng ibaโt ibang CTEC focal persons hinggil sa kanilang tungkulin at responsibilidad. Ang programang ito ay bahagi ng patuloy na pagsuporta at pagpapalakas ng kanilang kakayahan upang mas epektibong maihatid ang mga programa ng TESD sa bawat munisipalidad sa lalawigan.
Sa naturang pagpupulong, ibinahagi rin ang mahahalagang impormasyon kaugnay ng Skills Training Program at Skills Mapping upang matukoy at matugunan nang angkop ang pangangailangan ng komunidad sa mga programang maaaring ialok. Dinaluhan ang aktibidad ng mga CTEC Focals mula sa ibaโt ibang bayan ng Lanao del Sur.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga kalahok sa ahensiya, sa pangunguna ni Provincial Director Asnawi L. Bato, para sa matagumpay na pag-organisa ng programang makatutulong sa pagpapalakas ng kanilang koordinasyon sa mga LGU at Barangay para sa mas malawak at mas organisadong implementasyon ng Skills Training Program sa kanilang mga lugar.
The Bangsamoro region, established in 2018 by the Bangsamoro Organic Law (BOL) to implement the 2014 Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB), is made up of the provinces of Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao del Sur, Maguindanao del Norte, and Tawi-Tawi, the cities of Cotabato, Lamitan, and Marawi, as well as the Special Geographic Areaโs (SGA) 63 barangays or villages โ now eight new municipalities โ that voted โYesโ in a plebiscite in February 2019 to be under the BARMM jurisdiction.
According to the Philippine Atlas BARMM has 4,404,288 people. It has 116 municipalities: Basilan, 11 municipalities; Lanao del Sur, 39; undivided Maguindanao, 36; Sulu, 19; and Tawi-Tawi, 11. Its component cities are Cotabato (the regional center and capital) in Maguindanao; Lamitan in Basilan; and Marawi in Lanao del Sur. (โ)