BARMMAA Meet 2026 Nagsimula na sa Parang Town with 4,600 Young Athletes from 10 Bangsamoro School Divisions

Medalya, Karangalan, Php1-M Naghihintay sa mga Mananalo

BARMM. Office of the Chief Minister (OCM), Executive Building, Bangsamoro Government Center (BGC), Cotabato City. (Photo: SDN)

Note: This story came up first on Brabonews.com.

Short link: https://wp.me/paaccn-Yln

| X (Twitter): @edd1819 | Instagram: @bluestar0910 |Facebook: SDN Chronicles

PARANG, Maguindanao del Norte, April 12, 2026 (SDN) — Nagsimula sa magara at makulay na Parada ng mga Atleta ngayon Linggo ang BARMMAA Meet 2026 na nilalahukan ng 4,600 atletang mag-aaral dito sa Bangsamoro region.

Ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Athletic Association (BARMMAA) ay isang taunang pang-sport na labanan na inoorganisa ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) na pinamumunuan ni Minister Mohagher M. Iqbal.

Aabot sa humugit-kumulang sa 7,000 katao — kasama ang mga atleta — ang bilang ng buong delegasyon o kalahok sa pahusayan ng talino at galing na mula sa 10 schools division office (SDO) ng rehiyon, kasama sa bilang na ‘iyan ang mga libu-libong mag-aaral, atleta, coaches, at lider ng edukasyon sa ngalan ng pagkakaisa, disiplina, at kahusayan.

Katulad ng mga nakaraang taon, mayroon din tatanghaling mga mananalo sa Parada ng mga Atleta, tulad ng Best in Uniform, Best in Salute, Best Delegation, Most Friendly Delegation, at marami pang iba na mayroon din pera na matatanggap. Inabot ng bandang gabi na ang Parada ng mga Alteta. Nagsimula ang Parada ng mga Atleta bandang 4 ng hapon.

Ang paligsahan sa mga sports events ay magsisimula sa Lunes, April 13, at magtatapos sa April 17 kasama na ang awarding sa mga natatanging atleta.

Ayon sa kay Dr. Yusoph “Thong” Amino, sports director ng MBHTE, sinabi niya sa Brabo News PH at SDN Online na mayroon 4,600 mga estudyanting atleta na kasali ngayon taon sa 5th BARMMAA Meet, o Palarong Pambansa, at maglalaban-laban sa ibat-ibang sport events.

BARMM Chief Minister Abdulraof A. Macacua in Manila. (File photo: SDN)

Ang BARMM ay kinabibilangan ng mga probinsya ng Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, Tawi-Tawi; syudad ng Cotabato, Lamitan, Marawi; at Special Geographic Area (SGA) na meron waling munisipyo sa North Cotabato, ngunit sakop ng Bangsamoro Government.

Ayon sa Philippine Atlas ang Bangsamoro ay mayroon populasyon na sobra sa 4,400,000 katao. Ang BARMM ay itinatag ng 2018 Bangsamoro Organic Law (BOL) alinsunod sa 2014 Comprehensive Agreement on the Bansamoro na pinirmahan ng Philippine Government (GPH) at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ang mga atletang mag-aaral sa Elementary and High School ay maglalaban-laban sa Archery, Arnis, Athletics, Badminton, Baseball, Boxing, Chess, Basketball, Billiards, Football, Futsal, Para-Games, Pencak Silat, Sepak Takraw, Softball, Swimming, Table Tennis, Taekwondo, Tennis, Volleyball, Wrestling, at Wushu.

Façade of MBHTE Building, Bangsamoro Government Center (BGC) Complex, Cotabato City. (Photo: SDN)

Ang mga champion at iba pang mananalo ay maghahati-hati sa Php1-milyon Cash Fund ng galing sa MBHTE, isa sa 15 pangunaging ministries ng BARMM. Kasama rin ang mga trophy, medalya, at ang karangalan na i-represent ang BARMM sa 2026 Palarong Pambansa.

Iqbal, who is also a member of the Parliament (MP) of the Bangsamoro Transition Authority (BTA) na nagpapakbo sa gobyerno ng BARMM mula noong 2019 ay personal at hands-on na nagko-coordinate sa mga opisyal ng MBHTE, schools division superintendents, at partner na ahensya ng gobyerno para sa mahusay at epektibong aksyon sa lahat ng mga isyu at concerns tungkol sa BARMMAA Meet 2026.

BARMM Education Minister Mohagher M. Iqbal in Manila. (Photo: SDN)

Nagpapasalamat din ang MBHTE sa malaking suporta ng mga lokal na gobyerno, schools divisions, at mga service providers na napaka-importante ang kooperasyon para masigurado ang mahusay na takbo ng mga aktibidad at nga essential na utilities tulad ng tubig at elekrisidad.

Sa isang banda, nanawagan din ang pamunuan ng MBHTE sa lahat ng media platforms — print, TV, radio, online, blogging, at content creators na maging responsible sa pamamahayag at mag-beripika sa kinauukulan bago mag-publish ng mga balita upang maiwasan misinformation na magdudulot ng kalituhan sa publiko.
While at it, the MBHTE assured that it “remains committed to the welfare of all participants, the orderly conduct of BARMMAA Meet 2026, and transparent, continuous monitoring of all on-ground operations.”

Credit: Tu Alid Alfonso/BMN.
Credit: MBHTE

Apparently, nag-ugat ang isyu tungkol sa billeting o tirahan at tubig mula sa delegasyon ng Lamitan City, Basilan, na agad namang tinugunan nina BARMM Chief Minister Abdulraof A. Macacua, Iqbal at ibang ahensya ng gobyerno ng Bangsamoro.

Sa huli, naresolba din agad ang mga issue sa billeting at tubig sa tulong ng mga kinuukulan at ang delegasyon Lamitan City ay humingi ng dispensa na dulot ng problema.

Sa libu-libong kasama sa BARMMAA Meet 2026 (Palarong BARMMAA 2026) marahil ay hindi maiiwasan na mayroon mga maliliit na isyu na lalabas na agad naman tinutugunan ng gobyerno ng Bangsamoro, kasama na lalo ang MBHTE, at iba pang mga ahensya at sektor ng rehiyon. — EDD K. USMAN (√)

Don't be shy, comments are welcome! Thank you.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Discover more from SDN -- Science & Digital News

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading