Short link: https://wp.me/paaccn-Wgf
MANILA — Muling pinaalalahanan ng MARINA Maritime Industry Authority) ang mga operator ng bangka sa Donsol, Sorsogon, na mahigpit na sundin ang mga regulasyong pandagat, sa ginanap na Inter-Agency Task Force Meeting para sa pagbubukas ng 2026 Butanding Season.
Ayon sa MARINA Regional Office 5 (MRO 5), 20 accredited tourist boat operators at 23 recreational boats na may balidong Certificate of Public Convenience (CPC) ang pinahihintulutang mag-operate sa nasabing panahon.
Layunin ng mahigpit na akreditasyon at tuloy-tuloy na monitoring na tiyakin ang kaligtasan ng mga turista at crew, gayundin ang pangangalaga sa mga butanding at iba pang yamang-dagat.
Nagsagawa rin ng isang pinal na konsultasyon sa pagitan ng MRO 5, LGU Donsol, at mga katuwang na ahensya. Kung saan tinalakay ang mga estratehiya para sa mas pinaigting na regulasyon, enforcement, at inter-agency coordination upang matiyak ang ligtas na pagdiriwang ng Butanding Season.
MARINA Provides Assistance to 159 Shipyard Workers Affected by Northern Cebu Earthquake
Mahigit 150 shipyard workers sa Northern Cebu na naapektuhan ng nagdaang lindol ang tumanggap ng relief assistance mula sa MARINA Regional Office VII (MRO 7) noong ika-20 ng Enero, 2026.
Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga manggagawa mula sa Junida Shipyard, Sanrem Shipbuilding Services Corporation, Debbie Joy Boat Building, at Saranggani Engineering Works, na matatagpuan sa mga bayan ng San Remigio at Bogo, mga lugar na labis na tinamaan ng lindol.
Bawat manggagawa ay tumanggap ng bigas, kumot, at mga food pack upang makatulong sa kanilang agarang pangangailangan.
Personal na pinangunahan ni MARINA Regional Director Eng’r Ronaldo P. Bandalaria, kasama ang mga kawani ng ahensya, ang pamamahagi ng tulong sa mismong mga shipyard na naapektuhan.
Ang mga relief goods ay nagmula sa boluntaryo at sama-samang kontribusyon ng mga kawani ng MARINA mula sa Central Office sa Maynila at ng Region 7.
Ayon sa MARINA, bahagi ito ng patuloy nitong pagsisikap na maging agaran at tumutugon sa pangangailangan ng sektor ng maritime, lalo na sa panahon ng kalamidad. (∆)
_________
Source: MARINA